Testimonies

Posted by Shaira of Imus Cavite Alaphan

Glory to God! Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat ng kabutihan ginawa niya sa akin! ako po ay ilan beses na disgraya nung baby pa po ako isinaksak ko po yung tinidor sa saksakan ng kuryente, nahulog ako sa sasakyan namin at muntikan na ako bangaain ng nasa likod namin sasakyan at anu ano pa.. ang tawag po nila sa akin ay malapitin sa disgraysa.. daig ko pa po ang pusa ngunit sa lahat ng nangyari sa akin ang hindi ko po makalimutan ay yung na dengue ako ... stage 4 50/50 ... sunday po nanggabi dumugo ang ilong ko at nagdura ako ng dugo hanggang 4th floor ang simbahan ng las pinas ako po ay nasa 1st floor kasama ang ama ko at mga kapatiran ng simbahan... lahat po sila nagkakagulo dahil nag susuka na po ng dugo... hindi po umaalis ang ama ko hanggang hindi niya kasama si mama... nasa 4th floor ( sanctuary ) ang mama ko nagdadasal may mga kapatiran na lumalapit kay mama at sinasabi kung anu na sitwasyon ko .. ang dahilan ng ina ko kaya hindi siya nagmamadali umalis dahil bakit pa daw siya magmamadali pumunta sa doktor ehh.. tao lang daw po yun.. bakit pa daw siya pupunta sa tao at hihingi ng tulong sa tao kung nasa harap niya at kinakausap niya ang Panginoon ( meron po kasi okasyon nun Prayer and Fasting ) nung nakaalis na kami sa simbahan ako po ay kagad dinala sa hospital.. ako po inaantok na nung nasa hospital ako ... ginigising ako ng ina ko ang natandaan ko lang po dun sinabihan ko ang ina ko na " opo gigising na ako" . Nangingitim na po ang aking labi at may lumalabas na bukol bukol sa katawan ko.. sinabihan po ng doktor ang magulang ko na... parang magpaalam na daw po sila kasi once na nakatulog po ako hindi na ako magigising.... nung gabi rin po na yun tumawag ang aking ama sa mga Pastor na ipag pray po ako... Nagpapray rin po ang aking ama kay Bishop Osie at kay Apostol Arsenio (sa pamamagitan ng telepono).... sinabihan po ang aking mga magulang na kailangan ko salinan ng dugo.. ang dugo ko po ay AB wala pong dugo ab sa hospital mahirap daw hanapin ang dugong ab... biglang napabisita ang uncle ko kasama ang asawa niya ... at kami ay natulungan humanap ng dugo ng gabi na iyon... nakaorder po ng dugo ang asawa ng uncle ko... at ako po ay nasalinan ng dugo.. At sa Biyaya ng Panginoon ako po ay gumaling isang linggo lang po ako na sa hospital :D Ang gastusin po namin sa ay halos na libre kami dahil may green card ang aking ama.. nakita ko po kung gaano ako tinulungan ng Panginoon! Tunay na kapag humingi ka sa Kanya mg tulong ikaw ay tutulungan Niya! Kaya po gusto ko maganti sa kabutihang binigay niya saakin sa pangilan ko nang buhay... Nangako po ako na ibibigay ko ang Buhay ko sa Kanya :) God Is Good!