Testimonies

Posted by joel of manila

purihin po ang DIOS SA kanyang biyayang ipinagkaloob magmula kasi nang ako ay mag post dito sa site ng PMCC 4TH WATCH noong nakaraang taon at ako po ay humiling na nawa ay madismis ang isinampang kaso samin ng asawa ko.... sa pagka damay namin sa gulo sa aming trabaho at nauwi sa pagrereklamo at kami ay nakulong at nireklamong kasabwat sa pagnanakaw ng malaking salapi at pagbintangan kami sa kasong di namin ginawang mag asawa. at iba pang dumating saming mga pagsubok sobrang nag papasalamat po ako sa Dios dahil sa resultang aming natanggap na dismis at pinawalang bisa ng fiscal ang kasong hinain sa amin sa kadahilanang kulang ang ebedensiya at iba pa laking pagpapasalamat ko sa Panginoong DIOS at di ko talaga yun malilimutan tunay nga na marami kaming mga pagkukulang sa kanya subalit di nya kami pinabayaan sa ngayon patuloy ang aming paglilingkod sa kanya mabuhay ang PANGINOON!!!!!!!