Testimonies

Posted by luisa pineda of Subic, Zambales

Papuri sa Panginoon!.Ibabahagi ko po ang biyaya ng Panginoon sa aking buhay.Tunay na marami po ang tinawag sa pananampalataya ngunit di lahat ay nkapanatili.Sa biyaya po sampung taon napo ako at naakay ko na rin po ang mother ko.May karamdamn po sya na Lupus.. ngunit simula po ng sya ay magpabaustismo at manampalataya sya ngayon po ay malakas na at malusog..sa biyaya po ang dating mahina nyang katawan na halos po mawalan na sya ng buhay ay ngayon po tuluyan syang pinagaling ng Panginoon. Last year po rin ay naksama narin nmin sa pananampalataya ang ate ko po. Nais ko din po ibahagi ang biyaya ng Panginoon sa akin,tunay na kinahabagan ng Panginoon ang kanyang mga anak .Nag apply po ako sa abroad last month sa tulong ng isang kapatid at nagresponse napo yung agency regading
sa application ko. Sa biyaya magpatuloy po ang proseso ng papel ko at gamitin po ako sa pagttayo ng kapilya nmin sa local.Nawa ipaghanda po ako ng Panginoon ng makatulong din po ako sa pinansyal na pangangailangan ng aming Church. Sa Dyos po ang kapurihan.Maraming salamat po sa inyong kahabagan sa aming sambahayan.Ingatan nyo po ang kapatid na naging instrumento sa application na ito.patnubay ng banal na spiritu ang gumabay sakanya sapagkat wala pong gawain sa kanyang lugar.Papuri sa yo Panginoon!!