Inspiring Lives

Pananampalatayang Pinagtibay ng Panahon

Patotoo ng kapatid na Mila Musngi ng Lokal ng Marikina


Taong 1986 nang ako ay nakakilala sa Panginoon. Ang kapatid na Tetet na aking kasambahay ay nagkasakit noon. Naisipan ng kanyang asawa na yayain syang mamasyal sa Luneta. At sa kanilang paglagi doon, narinig nila ang pangangaral ng mga kabahagi sa 4th Watch. Naisipan nilang lumapit at making. Sa kanilang pakikinig ay nilapitan sila ng Bible students at kinuha ang kanilang mga pangalan at tirahan. Matapos ang ilang araw ay pinuntahan sila nila Bishop Osie at Pastor Rene Fremista na noon ay 2nd year Bible student pa lamang.

Nung umpisa ay ayaw ko pang making sa Bible Study sa bahay, ngunit sa kanilang matiyagang pag-iimbita ay nakapakinig na rin ako. Noong sumunod na Sabado noon ay sinama ako ang kapatid na Tetet sa Luneta. Ang nangangaral noon ay ang Apostol. Naroon din si Pastor Let at ang ibang mga kapatid sa Marikina. Lumapit ako nang magpatanggap si Apostol at naipanalangin nya rin ako ng mga sandaling iyon. Agosto 24, 1986 nang magpasya akong magpabautismo.

Hindi ko rin agad naisuko ang nakagisnan kong pananampalataya. Kahit na nabautismuhan na ko, sumimba pa rin ako sa Katoliko. Pero sa biyaya ng Panginoon, hindi na naulit yun dahil paglabas ko ng simbahan, wala na akong nadama. Simula noon, naging aktibo na ko sa paglilingkod. Nakakasama na ako sa mga Bible students sa pangangaral sa mga palengke. Naging malaking bahagi din ang katiyagaan ng mga lingkod ng Dios. Tuwing Sabado pagkatapos ng pangangaral sa Luneta, ay tumutuloy ang mga mangangaral sa aming bahay upang kami ay magbulay ng salita ng Dios. At tuwing Linggo ng umaga, kami ay matiyagang sinusundo upang makadalo ng pagsamba sa dako ng Marikina dahil wala pang gawain sa dako ng Maynila ng mga panahong iyon. Taong 1987, nang una rin akong makadalo ng mga malalaking gawain tulad ng Convention at nang sumunod na taon nang madaluhan ko naman ang Camp. At malaking biyaya naman ng Panginoon na aking kinikilala na magpasimula noon hanggang ngayon ay wala akong liban sa pagdalo sa malalaking gawain.

Sa taon din ito ko natanggap ang kagalingan mula sa sakit na nerbyos dulot ng hindi maipaliwanag na pananakit ng aking tiyan na umalipin sa akin sa loob ng walong taon.

Ang isa sa hindi ko malilimutang sandali sa aking paglilingkod ay noong taong 1989 nang akoy dumating sa isang malaking pagsubok at nanalangin muli ako sa Panginoon na muli ay magsugo sa akin ng mangangaral. Ang dumating noon ay ang mahal na Pastor Mona, at ako’y kanyang tinanong; “Ayaw mo bang ‘pag lumago ang Church sa Manila ay kasama ka sa paglago?” At ngayon nga ay isa ako sa mga buhay na saksi kung paanong pinalago at pinagyaman ng Dios ang paglilingkod ng mga kapatid sa dakong ito.

 

Biyaya ng Panginoon dahil mula sa pangangaral ng mga lingkod ng Dios sa mga pampublikong lugar tulad ng Luneta, ako ay nakakilala sa Panginoon at magpahanggang ngayon ay naririto akong naglilingkod sa Kanya. Purihin ang Panginoon!

Comments